Sa totoo lang, okay naman ako sa Gcash. Mas pipiliin ko pa rin itong gamitin kaysa sa ibang wallet. Yung mga issues na pinopost sa social media karamihan dun ay users fault talaga at ang pinakarason sa mga yun ay ang phishing scams. Yung sa support nila hindi ko irerate ng 5 star, siguro para sa akin ay 3 star lang, inalis kasi nila yung live support nila. Matatagalan talaga maresolba kung may mga problema kasi magsusumite lang ng ticket tapos napakarami pa ng mga users.
Sang ayon ako dito. Ang daming mga nagtetrending na mga issues kay gcash tapos gagatungan ng iba na may nangyari din sa kanila na nawalan sila ng funds. Pero, di nila inaamin na may problema sila at may nagawa silang di nila akalain na yun yung magiging dahilan para mawalan sila ng pera at mabiktima ng phishing. Usong uso yan sa mga sugal na apps.
Oo nga eh, siyempre magrereklamo talaga mga yan sa Gcash basta mawalan sila ng pera kasi hindi naman talaga nila yun ginawa, kaya lang sila pa rin ang sanhi kung bakit nagkaganon. Tayong mga users kasi ng Gcash responsible kasi basta sa ganyang pangyayari lalo na kung ang rason ay ang paglilink ng ating mga Gcash account sa mga phishing sites. Kung maaari talaga iwasan nalang maglink kahit safe pa ang website sa tingin natin, lalo na kung maraming laman ang Gcash natin.
- Yan kasi yung problema sa ibang mga gcash users, yung bang hindi nila matanggap o maamin sa kanilang sarili yung kapabayaan din na nagawa nila. Kasi maaring may iba na alam nila ay wala silang ginagawa na mali, pero sa katotohanan pala may nagawa na silang mali, in short hindi nila namalayan na nacompromise na pala yung account nila sa gcash.
But at the end of the day siyempre, dapat talaga maging vigilant tayo, so sa nangyari kay op, hindi ko masabi kung mareresolve pa ba yung isyu problem nya, sana maayos pa pero huwag narin magexpect if ever man din.