Kung ganon naman pala, dapat maaksyonan na dapat yan ni meta dahil laganap na kasi yung ganyan at I think hindi na rin ito bago sa kanila. Kaya dapat check nating mabuti yung page o account sa fb kung tunay ba talaga dahil baka mabiktima tayo ng scammers. Sa ngayon gumagamit ako ng fb pero yung mga social accounts ng mga crypto ay dun nalang ako mag-checheck ng mga updates sa twitter account nila para makakaseguro ako.
I don't think so na maaksyunan agad yan, dahil alam kong alam nila na ganyan na system ng meta ads nila. Well, sana mali ako. And well, who knows sana nga ng mag improve naman ad system nila.
Tama, matagal tagal na talaga tong sistema na to na mali sa kanila, at maraming beses na ni call out ang attention nila.
Sinabi na gagawan ng paraan, eh 2025 na ganun parin at bulok ang sistema nila kaya maraming criminals talaga ang nagtake advantage sa kanila dahil sa mabagal na action.
At kung gawan man ng paraan eh huli na at marami na sa tin ang nabiktima.
Napagtanto ko lang, na napakarami ng na-iiscam ng facebook (at iba pang social network) dahil sa hindi maganda yung sistema nila. Maraming mga criminals na malayang gumagamit ng facebook para maghanap ng mabibiktima.
Napakarami ng kanilang users at tiyak na marami rin ang kanilang mabibiktima. Pero isipin mo, puro related sa crypto lang yung mas binibigyan ng atensyon ng gobyerno, na parang gusto nila itong ipatigil o kaya hinaharang nila ang pagdevelop nito.
Dahil dito, makikita natin na hindi sila masyadong nag-aalala sa mga posibleng mabibiktima ng mga kriminal kondi takot lang sila na baka hindi na nila malalaman kung gaano kalaki ang pera na hawak ng isang tao.