May natanggap akong message na hindi na raw pwede mag-deposit sa aking Binance account pero pwede pang mag-withdraw. Akong lang ba ang nakaranas nito o kayo rin.
Mukhang ban na ata ang Binance sa Pinas nito.
Di ko pa nacheck yung akin kabayan. If maban man ang Binance dito sa atin maybe time na rin yan na dapat ay sabihin na nila officially para wala nang umasa at magavail pa ng services ng nasabing exchange dahil masasayang lang yung fees natin kakatransfer if ever na may funds pa tayo dun. Pero check ko din yung account ko kapag may time.
Mukhang kini-kickout na ako sa Binance kabayan. Sabi dyan sa message na galing sa kanila ay hindi na raw ako pwede pang mag-deposit, pwede pa naman akong mag-withdraw kung sakali man funds pa ako sa kanila. Check nyo na accounts nyo baka meron ng message katulad sa akin.

Wala namang lumabas na ganyang message sa akin kabayan sa mismong app nila. Sinubukan ko i-explore yung deposit section pero wala ring nagbago, sa nakikita ko pwede pa yung account ko. Pero dahil nga sa sinabi mong yan, ay maglalie-low muna ako sa app nila hanggat wala pang mabuting balita dahil baka kung sakaling magdeposit ako, mahirapan na akong ilabas ito. Wala na rin naman akong kailangan sa Binance ngayon tapos hindi na ako nagtitrade sa kanila dahil napakataas ng fee. Babalik nalang ako kapag safe na.
May na-receive akong email ngayong araw lang kabayan, deactivate na raw yong account ko sa kanila. May ginawa daw silang periodic review sa aking account at baka meron silang nakita na paglabag sa TOS kaya nag-decide sila na i-deactivate yong account ko. Puro deposit at convert to peso lang kasi ginagawa ko for almost a year now, yon siguro ang rason sa deactivation ng aking account.

Ah kaya pala siguro nadeactivate yung account mo. Just to clarify kabayan, ang ibig mong sabihin gumagamit ka lang ng P2P? At merchant ka ba doon? Kung oo, bakit nila diniactivate yung account ng ganon2 nalang

Hindi na ako gumagamit ng Binance sa futures trading, pero minsan nagdedeposit ako dun para gamitin yung p2p nila papuntang Gcash ko. Baka seguro may nalabag ka sa kanilang terms kabayan ng hindi mo namamalayan. Gaya ng mga third party sender, tapos may issues yung accnt ng sender na yun.