Napag usapan din naman to ng isang tropa ko na malakas din mag scatter. Sabi ko, huling tama ko eh mga 2 weeks ago pa at hindi na ako pinananalo kaya tumigil na ako at sayang ang pera.
Ganun din sya, dati madalas to tumama, pinakamalaki yata eh kulang kulang 100k, minsan magugulat na lang ako na nagpadala na sa GCash ng balato hehehe.
Pero ganun din daw, tumigil na daw sya kasi walang bigay kaya inasikaso na lang muna nya ang negosyo at trabaho.
Sa mga walang kontrol, siguro iba na talaga ang tama.