Hindi natin sure kung nagsusugal ang mga yan, pero ang tyak eh malaki ang bayad sa mga yan para mag promote ng gambling. Ganun din ung mga naglutangan na mga gambling influencer na namimigay ng 10k PHP pag tumatama sila ng malaki.
Kunwari may nag comment na mag spin daw, ng 5 tapos buy bonus, and then antayin pag papaldo. At kung malaki ang kinita ng influencer let's say lagpas 150k na talagang nangyayari nagbibigay sya ng 10k as balato na nag comment kung anong laro ang anong strategy gagawin.
Napakarami nang influencer na nag propromote ng sugal ngayon at para sa akin, hindi naging maganda tignan yun kasi at first place, kaya sila tinawag na influencer dahil may kakayahan silang mang-influence ng kanilang mga followers. Nakikita ko na yung mga sikat na influencers na finafollow ko noon na lumilipat na sa pagsusugal. Yes, hindi ako naaapektuhan or naattract sa pagsusugal kahit ilang oras pa ako manood pero paano na lang yung mga ibang tao na baka mag isip na "kung kaya nila, kaya ko rin", at humantong sa pagsusugal nila.
Tungkol naman sa pamimigay, yan din ang dahilan kaya nag sstay afloat tong mga influencers na ito. Pag nananalo sila ng malaki, magpaparaffle sila sa kanilang mga followers na magcocomment sa post nila at dahil dito, palagi silang nasa taas ng algorithm at ipropromote ito ng Facebook. Siguro ang solusyon na lang para matigil na itong mania na ito ay kung Facebook na mismo ang mag ban sa mga influencers na nagpropromote ng sugal.