Late comer ako dito sa PI pero nung pandemic sinabihan ako ng pinsan ko na magmina kaso di ko rin ginawa at few years back saka lang ako nagmina kaya medyo maliit lang makukuha ko dito kasama pa dyan yung mga hindi nagverify. Nakapagsend na rin ako ng KYC pero wala nakatengga saka yung transferrable ko di ko din inasikaso I don't know kung ano na balita dyan nastress ako dyan sa tagal ng distribution na questionable din. I am not that sure kung talagang makukuha ko to or as usual magiging TY nanaman. 😆
Kung KYC passed na yung status mo kabayan ibig sabihin makukuha mo yung transferrable balance. Kung aabot yun ng 50 PI sayang din yun. Marami sa amin dito nakakuha ng more than P50k sa PI. Kapag migrated na yung coin mo pwede mo ng ibenta dahil nasa wallet mo na. Medyo may katagalan lang talaga na dumatin sa wallet dahil sa maraming nagpoprocess, maghihintay ka ng 14 days para dumating yung PI sa wallet mo plus additional 2 weeks to 3 years na lock up sa coin depende sa nilagay mo.
Yung problema sa account ko kabayan di pa verified yung mobile number tapos yung allowed two digits lang, saan ba sila nakakahanap ng two digits na mobile number? 😅 Konti lang yung PI ko kabayan pero sayang padin syempre dahil binigyan ko din konting oras yun para mamina kahit mahina signal dito sa amin.
Yan yung problema ko ngayon kabayan, verification ng phone number. Kaya lang problema ko hindi naveverify kahit na successfully sent naman yung message ko. Ilang beses ko ng sinubukan pero ayaw pa rin. Kaya sinubukan ko rin na magchange number at bago yan kailangan ng liveness check pero palaging rejected. Yung sayo kabayan, siguro ang pwede lang ay 2 digit lang sa phone number ang pwede mo palitan.
Naalala ko tuloy yang Pi na yan before, nung mga panahon na parang 2months palang ata yan ay nagdownload ako ng apps nila, at okay naman sana nung time na yun dahil wala pang kyc, hindi ko na nga lang matandaan kung nakailang Pi na ipon na ako nun parang inabot din ng ilang buwan yung pagmimina ko nun not exactly sure lang kung nasa around 3400 o 4k+ yung naipon ko na pi nun.
Tapos nung dumating yung time na merong na silang kyc na nirerequired parang nawalan na ako ng gana nun kasi puro negative na ang nababalitaan ko sa pi dahil ano-anong mga products na yung tinitinda nila na parang ang naging dating na sa akin ay mlm sa networking, kaya nadismaya na ako so ang resulta uninstall ko nalang, tapos yung number din na ginamit ko dun ay wala narin yun, and hindi ko naman pinagsisihan din naman.