<snip>
sarap mamili kung marami kang pera na naka abang sa mga ganitong pagkakataon, so win win parin ika nga.
Yung mga mayayamang mga investors ang mas makakabenepisyo nito kasi pwede silang bumili ngayon para hindi mapag-iwanan at dagdagan lang nila ang kanilang investment kapag bumaba pa ito, yung tinatawag nilang DCA. Minsan kasi mapapaisip tayo kung gagamit pa ba tayo ng DCA kung konti lang naman puhunan like $50, kasi parang hindi worth it ang bull market natin. Hindi naman kasi palagi bull market eh, at kadalasan lumilipas talaga ng ilang taon bago magkaroon na naman ng pagkakataong ito.
Pwede naman siguro tayong maka pag ipon din katulad ng mga whales, isa na rito eh yung signature campaigns na natatanggap natin. Isipin mo na lang kung naipon mo mula nang lumipat tayo dito, ang laking pera na nito sa ngayon.
So parang nag DCA ka rin using that method, kaya nga lang talagang mahirap hirap to at masakit sa ulo kasi nga ang haba ng pag iipon mo. Pero kung may regular ka naman job at sideline ang signature campaign eh baka posible to.
Nasa $64k parin tayo sa ngayon, at parang umabot pa nga as high as $66k. So medyo malayo pa sa $100k pero mararaming din naman natin yan, hehehehe.