Medyo bumaba siya kahapon at ngayon. Aabot yan, pero hindi lang talaga natin alam kung kailan pero tingin ko naman mukhang magiging ok itong pasko na dadating para sa atin. May pang spaghetti na tayo nito at sa mga magle-lechon panigurado yan meron din. Hehe.
Stable siya around $55k-$60k at mukhang kailangan muna nating makita na magbreak siya sa $65k.
Umabot ng $61k pero bumagsak na naman to sa $58k sa ngayon. So medyo paatras tayo at mahaba haba na naman ang hahabulin natin para makatungtong sa $100k.
At mukhang paiyakan na naman, pero maganda rin to para makapag ipon parin tayo at syempre ayaw rin naman ng biglaang pagtaas na parang artificial yan. Kailangan natin makita na umangat sya ng normal flow, ika nga. Kaya antayin natin tong buwan na to. Baka pag pasok ng ber months na at maririnig na natin is JM Chan, eh baka mag iba ang simoy na ng hangin,
.
Pangit lang talaga itong buwan na ito sa tingin ko, dahil karamihan sa mga investors ay naniniwala na din katulad ng tradition ng Chines tungkol sa ghost month. Halos nasa kalahati na tayo ng buwan na ito at tingin ko pagdating ng ber months, doon na natin makikita yan maging stable sa $60k pero okay na rin naman yung ganitong galaw ni Bitcoin. Kung may naghihintay pang bumili, makakabili na muna habang di pa pumapalo pataas.
Ghost month talaga to, hehehe, at katulad natin na medyo matagal tagal na dito, eh talagang pag Ber months ang may galawan na maganda, at inaasahan ko rin yan pag pagpasok ng September, baka maka usad na tayo mga maganda ganda.
Tapos wag rin nating kalimutan ang election sa US sa November, sakin may impact to hindi lang sa crypto kundi sa buong mundo at malalaman natin kung sino ang susunod na US President kung sya pa ang pro-Bitcoin o hindi.
So sa ngayon baka sideways tayo ngayong buwan na to.